Finding my Life Partner

Kahapon ng umaga, mejo tanghali na akong nagising, (syempre weekend) ngunit sa pagmulat ng aking mga mata, agad lumapit ang aking hubbybuh para ako ay halikan at sa hindi inaasahan ay binati ako ng “Happy Valentines” 🤔😟 napakunot noo ako at sumagot ng: “huh, kelan pa tayo nagbatian nyan”? At napahaglpak na lang ng tawa ang aking kabiyak. Masyado lang raw sya nadala sa pinakikinggan nyang preaching mula kay Pastor Tan Chi about Love. Oh well, hindi po kasi kami naniniwala kay St. Valentine 🤔 at ang pinapaniwaalaan lang naming nag-iisang simbolo ng Pag-ibig ay ang pag-alay ng Panginoong Hesus sa krus ng kalbaryo ng kanyang buhay upang ang lahat ay mailigtas sa kasalanan. Sabi nga sa John 3:16: 
“Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Valentine’s Day kahapon at marami na namang nagpapabonggahan ng post sa IG or FB about sa mga regalong natanggap nila mula sa kanilang mga kabiyak, kasintahan, kaibigan, date at kung ano-ano pang label na pinapapuso ng mundo. May mga memes din ng mga “ampalaya”, mga hugot na “walang forever” at mga payo na kahit wala pa ang pinakahihintay na kaisang puso ay darating din yan sa tamang panahon. Ngunit kailan nga ba ang tamang panahon? Katulad ng iba ay hindi rin dumating sa akin ang aking “the one” na hindi pinagdaanan ang iba’t ibang level ng tinatawag na “heartbreak”. Na sa lahat ng aking naranasan ay masasabi ko din ang mga katagang “walang Forever” 😁 at “maghihiwalay din kayo” 😜

At one point in my life, I also made bad choices, wrong decisions and impulsiveness sa pagpili ng minahal. At kung maari nga lang ibalik yung portion ng buhay ko na iyon ay babaguhin at itatama ko. Pero kung hindi ko naman pinagdaanan ang mga bagay na iyon ay hindi ko marerealize ang aking mga pagkakamali, hindi ko din matutunan na maging responsable sa lahat ng nagawa ko na hindi ko ito dapat isisi sa iba at lalo na sa Panginoon. Sabi nga, experience is the best teacher, kaya naman pinagpapasalamat ko sa Panginoon ang mga bagay na “yun” dahil ito’y bahagi ng paghubog Nya sa kung ano ako ngayon. 


So paano ko ba nahanap si Mr. Right? Well, una ito ay dahil sa aking pagmamahal at pagsunod ko sa aking mga magulang. So kahit na ayaw ko pumunta dito sa Saudi noon ay sinunod ko si Papa. Pwede ko naman syang suwayin at gawin ang parating dinidikta ng mundo, “Follow your heart”, gawin mo kung ano ang magpapasaya sa iyo. Pero noong mga panahon na yun ay may ambisyon pa naman ako at ayoko naman na malugmok na lang ako sa putikan na kung saan ako ay nasadlak at sabi ko nga, mahal ko si Papa kaya ayaw ko siyang idisappoint kaya pumayag akong magpunta sa bansang hindi ko pinangarap. Noong panahon na iyon ay wala akong tunay na relasyon sa Panginoon kahit na ako ay professing born-again Christian na. But God is really faithful na kahit ako ay unfaithful sa kanya hindi Nya ako sinukuan. Ginamit ng Panginoon ang natitira pang Love sa puso ko sa aking mga magulang upang itama ang aking buhay at ganap kong maunawaan kung ano nga ba ang tunay na “Born again”. Hindi naging madali but I can say that it was a divine intervention, mahirap i-explain sa salita pero masasabi kong ito ang isa sa himala ng aking buhay that I am so grateful to the Lord na hinalubilo Nya ako sa mga taong may pagmamahal sa Panginoon na hindi mo inaasahan sa bansang KSA. At higit sa lahat, for  giving me a life partner that accepted me for who I am and what I am in the past and helped me to better understand my faith. Sabi nga sa Matthew 6:33: 
“But seek first the kingdom of God and His righteousness, and all these things shall be added to you.” 
Ang pagkakaroon ko ng isang kabiyak na tulad ng aking asawa ay dahil minahal ko ang Panginoon, at dahil dito nakagawa ako ng isang major life decision na hindi dahil sa aking pansariling kagustuhan lamang but patterned thru God’s will. Hindi ko talaga type ang asawa ko noon at inis ako sa mga kapatiran na tumutukso sa amin, kasi naman wala sa kanya ang ideal man na hinahanap ko noon. Ngunit walang pride ang hindi matitibag ng mataimtim na panalangin. Hindi man sing gwapo ng matinee idol ang aking asawa but through the eyes of God I saw a new definition of what handsome really means. Hindi man perpekto ang aking hubbybuh but through God’s unconditional love, my husband’s imperfection was dimmed that I just saw God’s goodness at syempre ganun din siya sa akin. Maaring hindi mauunawaan ng iba ang aking testimony ngunit ang lahat ng ito ay bunga ng pagtanggap ko sa Panginoong Hesus bilang aking tagapagligtas. Hindi madali, hindi din instant na parang 3 in 1 na kape or noodles, ang lahat ay proseso ngunit nag-uumpisa sa tunay na pagpapakumbaba ko sa Panginoon at pagsisihan ang aking mga naging kasalanan at talikuran ito, accepting Him as the only way, the truth and the life that no one comes to the Father except thru Him and everything else followed.

Popular posts from this blog

Migrating

Chili Poppers

Macro /Mellow Yellow Monday