Posts

Showing posts from February, 2020

Finding my Life Partner

Image
Kahapon ng umaga, mejo tanghali na akong nagising, (syempre weekend) ngunit sa pagmulat ng aking mga mata, agad lumapit ang aking hubbybuh para ako ay halikan at sa hindi inaasahan ay binati ako ng “Happy Valentines”  🤔😟  napakunot noo ako at sumagot ng: “huh, kelan pa tayo nagbatian nyan”? At napahaglpak na lang ng tawa ang aking kabiyak. Masyado lang raw sya nadala sa pinakikinggan nyang preaching mula kay Pastor Tan Chi about Love. Oh well, hindi po kasi kami naniniwala kay St. Valentine  🤔  at ang pinapaniwaalaan lang naming nag-iisang simbolo ng Pag-ibig ay ang pag-alay ng Panginoong Hesus sa krus ng kalbaryo ng kanyang buhay upang ang lahat ay mailigtas sa kasalanan. Sabi nga sa John 3:16:  “Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Valentine’s Day kahapon at marami na namang nagpapabonggahan ng post s